Saturday, April 25, 2009

Round 6.5 (Eraserheads sa Buhay ko)

Pop-u
Ultraelectromagneticpop
Circus
Cutterpillow
Bananatype
Fruitcake ep
Fruitcake Album
Stickerhappy
Natin99
Carbonstereoxide

Yan ang mga alam kong linabas na album nila Ely,Buddy, Raimund at Marcus a.k.a. The Eraserheads! Medyo kulang pa yan kasi may mga nilabas silang single na di nakasama sa mga yan at yung iba limited edition lang. Pero anu ba ang relasyon netong mga to sa akin eh di naman kami magkakakilala personally?

Nagsimula yan nung bata ako (Wow, batang-bata!) Grade 4 ako nung naglabas na sila ng album galing sa BMG records yun ang ultraelectromagneticpop. Nanakaw nila ang atension ko dahil sa Pare ko na kanta, (dahil sa TANG-INA sa chorus)nakakagulat lang kasi sila lang ang una kong napakinggan na may ganun, nacurious ako kasi sa album ni ate jakki (sorry ate ako pala ang nakawala ng mga cassette mo ng pinoy bands) ng eheads parang tinatago nya pa kay Lola at ayaw patugtugin kapag andun si Lola, yun pala dahil dun eh magagalit yung Lola namin kapag nadinig yun (Hi Lola Mia!) So, ayun na nga, Pinatugtog ko sa Karaoke namin at nakuha na nila ang music sensibilty ko, dun na din ako naenganyong magaral ng drums, mula sa Easy ka lang hanggang sa Combo on the Run pinapatugtog ko palagi, araw araw, ngunit may pumalit bigla sa laman ng aming karaoke nung nilabas nila ang album na Circus, once again naaliw ako sa Punk Zappa no.1 kasi makulit eh, mula Bato hanggang Sa wakas walang humpay na pakikinig sa music ng apat..Dito na nagsimula akong magresearch ng mga gigs nila at history. Napaka Fan ako netong apat, Nung nalaman kong mga taga U.P. sila pinangarap kong mapasok dun sa kolehiyo, ayun nauwi ako sa AMA at UST..ehehehe

Mula nun inabangan ko na ang albums nila, madalas mid Sept or December sila naglalabas eh, kailangan namakupit ng todo-todo sa baon para makabili ng cassette album nila,nung lumabas ang Banana type nila, nagtaka ako kasi bakit tig dalawa lang ang kanta sa side A at side B? nun ko lang nalaman ang ibig sabihin ng EP..pati yung unang fruitcake na labas bakit tig dalawa lang eh yung 150php noon ang mahal na para sa akin! pero ok lang collection naman eh, nung highschool ako nagsimula ang crisis sa financial ng pamilya at kailangan na magkanya kanya at maglipat ng bahay, BADTRIP nasa skul ako nung nagliligpit sila kaya nagkanda walaan ang mga tapes ko ng Heads, natira sa akin yung The best of the 80's at yung album ng Tears for Fears na pinakikinggan ko lang eh shout at everybody wants to rule the world. Nasira ang collection ko at tinamad na akong bumili noon ng tape nila. Di ako nakabili ng Fruitcake na full album na, yung silver yung front ng album kaya kung ako tatanungin mo sa mga kanta nila doon, konti lang ang alam at napakinggan ko..as in konti lang...akala ko kakalimutan ko na ang eraserheads eh kasi mga pinakikinggan ko nun eh beatles, third eye blind, oasis at kung anu-ano pang bandang banyaga, nawala ang pa OPM kid ko.

Pero isang araw nung papunta akong SM foodcourt para magarcade, napadaan ako sa isang music store, nakita ko ang poster ng Natin99,biglang may umakyat na adrenalin sa katawan ko na parang gusto nang dumukot ng pera sa bulsa galing kay kuya sonny dahil bday ko kunwari..inalis ko ang mata ko dun at tumuloy sa paglalakad kasi ang nasa isip ko noon eh kapag ginastos ko ang natitirang pera ko nun eh wala na akong pambili ng token pang challenge sa xmen v.s. street fighter eh kailangan ko ng maraming token kasi medyo talunan ako dun, medyo lang (tang ina ka Dan at Prince babawi pa ako sa inyo!) pero ayaw talaga papigil ng silakbo ng damdamin ng pagbili at presto, may album na ako ng Natin99..parang isang relasyon na nagkabalikan pagkatapos ng matagal na di pagkikita. pumasok na sa tega ko ang mga kantang Maselang bahaghari, pop machine, peace together, sino sa atin, dahan-dahan at huwag kang matakot. Sarap ng feeling.

At ayun na nga tumuloy tuloy ang ligaya ko sa Eheads hanggang lumabas na din ang huling album nila ng Carbonstereoxide. Aminado akong medyo mabigat na tugtugan nila nun at konti na lang ang naging paborito ko dun pakinggan, Hula, Palamig, Playground at yung isa na nakalimutan ko na yung title.

Madami na akong pagkakataon mapanood sila ng live pero hindi pa sa isang planadong pagnood sa gig nila, eksaktong may tugtug sila sa hardrock makati, kaya plinano ko yung araw na yun, ang ganda kasi yung tugtug nilang yon eh yung una at huling pagkakataon nilang tumugtug na puro effects ang instrument nila (sa pagkakaalam ko sa mga gigs nila) si Raimund synth at sequencer, si Buddy keyboards, Marcus electric guitar with multi effects at si Ely guitara at voice changer. Tuwang tuwa ako sa napanood ko pero di ko alam yun na pala ang huli kong panood sa kanilang buo sila.

Next na panood ko sa Eheads eh si Kris na yung vocalist nila, medyo nakakadurog kasiyahan at madaming naglaro na tanong sa utak ko pero ayun na nga wala naman akong magagawa kung ayaw na ni Ely sa heads eh.

"Lumipas ang maraming taon..." may nagpalabas ng balitang marereunite daw sila, medyo tumibok ng bahagya ang puso ko sa magandang balita pero dinedma ko lang muna kasi wala pa akong nadidinig sa iba. pero umaasa ako na sana totoo.tinext ko si Dan na "Pare, may balita pero hindi pa confirm ha, may reunion concert daw ang heads?" sabi nya "Oo nga daw pero di pa confirm yun, pero kung magkatotoo tang ina manonood ako" hindi ko alam eh nagresearch ang loko.. biglang ng text sakin na "PARE! totoo pala! August 30 daw yung expected date pero wala pang confirmation sa venue!" sabi ko "Hindi nga? puta tignan mo kung kelan talaga puta ka! Buo na ang heads..once again!" sabi nya "Oo pare buo na ulit sila, tang ina nilang lahat!" at ayun mula sa first reunion hanggang sa final set nila di namin pinalagpas. Minsan natanong ko sa sarili ko na alam kaya netong apat na ang daming naapektuhan sa pagkalas at pagbuo nila ulit? After ng final set, isa lang ang pumasok sa isip ko..It's time to move on..Thank for the memories and music and Thanks in advance..they already have their own bands with their respective members and creating different projects. Thank you na lang sa kanila kasi kung hindi sa kanila hindi siguro ako musician.

Eraserheads is Dead but their music lives forever..

No comments:

Post a Comment