Well, it's monday pero ang ayos din yung nagdaang Easter sunday, dumaan ako kila dan around 6 pm, inabutan ko dun si loki (kuya ni dan) at si nino, hinintay ko muna matapos magayos si dan dahil parang babae mag ayos yun, ang tagal..after nya mag paganda ayun na nga pumunta na kami sa Zamora, isang lugar sa poblacion makati kung saan yearly nagkakaroon ng tugtugan, nanood kami ng mga bandang tumugtog kasama yung isang barakada namin nung high school,may mga kids na tumugtog pero kung pakikinggan sila at ikukumpara sa amin nung ganung edad kami eh panis kami sa kanila dahil mas maayos sila tumugtog, may mga matatanda din na tumugtog dun medyo boring kasi all about rock and roll sila, blues at mga vocalistang o.a. na kung kumanta, may isang bandang tumugtog dun na heavy metal na hindi na namin maintindihan yung sinasabi nya, may isang banda dun na hindi ganung kaayos mag play pero trip namin yung mga kinovers nila, isang sugar free, eraserheads at isang hungry young poets. badtrip nga lang kasi silat ako nung araw na yun at umasa lang ako kay dan at ryan, then after nun tumugtog yung delara, ang ganda pala ni lougee sa personal..saya eh, pati na din yung utol nya..yummy! ehehehe, habang nanggigigil si dan sa dalawa biglang sumulpot si peejay at napagusapan namin na magjam sa sunday, exciting kasi puro eheads ang theme namin sa jamming. Sana nga lang makabuo kami ng maayos na kanta nun..ehehehe
after nung program sinama ako ni ryan sa bday ng isang skater, alalang alala ako kasi baka mao.p. lang ako dun, pero nagulat ako kasi halos lahat ng andun eh kilala pala ako, yung iba kilala ko din pero konti lang,ayun wasak na wasak ako paguwi kasi daming inumin. Sana sahod na para may pera na ulit ako..badtrip kasi pag silat eh, pahirapan humanap ng sandalan..
Monday, April 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment