Saturday, April 18, 2009

Round Four

Huuuweeellllll! It's another day for everybody and I will have to take calls, again.. NOW! Im sitting here and waiting for those fucking agents to ask me some stupid and lame questions and I love it three times a day..ehehehe

Sabado night andito ako sa opisina..pero oks lang kasi kapag weekends walang gaanong trabaho, hasle nga lang kasi kahit may magandang gig or palabas sa t.v. di ko mapanood, madaling araw ng alas tres na ako nakatulog sa bahay dahil sa init, pakshet kasi yung mga naninira ng ozone layer eh! Ang weird dun eh, kahit sobrang pagod ako nung araw na yun talagang nagising ako ng 5:44am..5:44am? Anak nang teteng minsan ka na nga lang mag dayoff di pa kumpleto tulog mo? badtrip talaga, ang hirap pa dun kahit pinilit kong matulog wala na talaga, parang gusto na ng katawan kong kumilos, kung meron nga akong computer siguro binaklas ko na yun tapos inasembol ulit..ADIK! pero ayun na nga, nagsipag-sipagan ang magiting na venny, nagsaing habang ngumangasab ng agahan, nag hugas ng mga hugasan, naglinis ng sala a.k.a. kusina at hapag kainan. after ng pampapawis na mga gawain natapos ko naman lahat ultimo pagbili ng lulutuin sa tanghalian nagawa ko na din. maaga pa pero wala ng mapagtrip kaya binitbit ko ang guitara sa kwarto, naglatag ng papel at ballpen at himala nakasulat ako ng tatlong kanata..wahehe..atleast may naaccomplish akong trip ko talagang gawin..

Bukas eraserheads jamming kami ng Apple Allergies, badtrip nga lang kasi wala ang tanga naming bahista, si Christopher also known as Bassline, Toffy, Waistline at ang tawag ng marami sa kanya..BASILAN..nasa Saudi pa kasi nagbabanat ng buto kaya humanap na lang muna kami ng bahistang tanga din para kahit spirit nya nandoon sa studio.(puta ka basilan yung pangako mong gamit nasaan na?!)

May kumuha sa aking banda na tugtugan eh Progressive rock..Langya kala siguro nila sa akin ako si Mike Protnoy, Ayaw ko sana kasi unang una di ako fan nung music na yun although I listen to some but never been a fan, second time management, may banda kasi talaga akong steady, ok lang sana kaso nga I take this band thing as a hobby na lang kaya hirap akong bigyan ng time sila at third di naman sa panglalait pero hindi sila ganoon kagaling para bumanat ng prog. music, ok sila sana kung gagawa sila ng kantang akma lang sa level nila. So, since di ako makatanggi ayun kasama na ako sa line up nila pero and deal namin since original din mga ginagawa nila kailangan nilang i-absorb yung ideas ko, balak kong ilihis sila sa prog at medyo i-linya sila sa medyo mainstream na music, parang music ng sandwich sa unang album nila. Awa ng Diyos pumayag naman sila pero as of now di pa kami nagjajamming.WALA nga kasing time! ang tanong ko na lang, sino sa mga sinalihan at sasalihan kong banda makakaachive ng kahit isang nominee sa NU rock awards?(naks pangarap!)

No comments:

Post a Comment