Saturday, April 25, 2009

Round Six (Sabado Nights2)

Hay, dito nanaman sa trabaho at kasama ang mga palaging kasama sa hirap at hirap..mga katrabaho ko, medyo nananawa na nga ako sa mukha nila pero ok lang, walang masayadong happenings ang weekend ko kasi naglinis lang ako ng bahay at pinilit makatulog ng maayos, nahirapan ako magsulat ng kanta para sa isang banda ko (yung sinalihan kong banda na bago) kasi walang pumapasok na idea sa utak ko at the same time masarap humiga lang dahil naulan, pero syempre hindi ako pumayag na walang masulat kahit isa kaya piniga ko ang utak kok habang nagyoyosi at bwalah! ayan na ang kanta, badtrip nga lang kasi halatang sulat sa pilit...wehehehe

Sana magkaroon naman kami ng gigs, kating kati na ako magdrums sa harap ng tao eh..(waiting ka lang Dan pagnakaluwag lulunurin kita sa alak hudas!)..Yung S.O.S. medyo malabo pa rin sa vocalist, hindi ko alam kung magpapalit ba o pipilitin pahusayin ang ang vocalist sa kasalukuyan. Haay, stressful ang mga gago.

Badtrip natatagalan pa ako sa sahod, excited na ako kasi may bonus ako, wag lang sana maharang ni kumander..wahehehehe,balak ko sanang bumili ng iPOD, K na ride cymbals at nike naskater shoes (yung peke).pagnagkataon at may opportunity na dumating na medyo maganda ganda, ayan na masarap na paggastos..ehehehehe.

No comments:

Post a Comment