Saturday, April 11, 2009

Round Two (What a Tough Day!)

Yeah, natapos din ang lakaran papuntang antipolo, kakapagod as usual pero kahit papano sumakit ang tiyan ko kakatawa. 5 kaming nakapaglakad ngayong taon na ito, Si Dan, Ralph, Omar, D.J. at ako. Medyo hasle nga lang kasi short kami sa budget pero nakaraos pa rin kahit papano. So,ayun nga nagkita-kita kami kila Dan ng mga 10pm, actually dapt mga 8pm yun kaso alam mo na, Filipino time 2 hrs. late. huling dumating si Omar na gutom na gutom kaso walang pangkain, syempre short nga kami kaya sabi namin, mamaya na kami kumain mag pasting muna kami pero sa totoo lang gutom na rin kami, naglakad kami ng mga 10:24pm, pagbaba namin sa may Camino may Pakulo ang mga taga Guadalupe na sinakulo, Inimagine namin na si Ralph ay biglang makikisali sa play dahil masyadong naapektuhan sa palabas, inisip namin na bigla syang papanik na may dalang palaspas at sumisigaw ng "Wag, nyong saktan si jiiissaaaasss(Jesus with accent), Hayop ka hudas!" sabi ni barabas, "hindi ako si hudas!" sabi ni Ralph "Hudas ka talaga Barabas!" ehehehe, then we continue walking..

Nung nakarating na kami sa may 1st stop namin sa may gasoline station after ever gotesco ortigas yata yun,si Omar reklamo na ng reklamong gutom na siya, since short kami ni Ralph, sinabi namin na lang na "oo nga eh" at sa awa ng Diyos may nakiramay sa simpatya ni Omar,l bumili sila ni dan ng fishball, after nun di namin nahalata na may namumuong takot pala kay D.J. dahil sa kagaslawan ni Omar. then we continue again..

Ramdam na namin ang mga nginig sa aming mga hita at paa pero kailangan ipagpatuloy ang lakad. Nung na narating na namin ang unang istasyon nagpagusapan namin bigla ni Dan yung joke ni enteng at Joey patungkol sa matandang pabaliktad kung bumisita sa mga istasyon, tinanong ang matanda "Lola, pabaliktad po bisita nyo, galing kayo sa 13 pababa" sabi ng matanda " Ay, Ganun ba? kaya pala nagtataka ako bakit palakas ng palakas ata si Kristo" ehehehe, then we continue walking again..

Eto na nakatungtung na mga paa namin ng antipolo at pag dating sa may malapit sa simbahan, natupad na ang gustong mangyari ni Omar,KUMAIN! Umorder kami ni Ralph ng isang putahe at bumawi na lang sa kanin. si Omar sadyang kulang para sa kanya ang dalawang kanin, samantalang kami ni Ralph solb na sa Dalawa. Ang pangit lang dun eh nagorder si Dan ng mga softdrinks pero di namin binayaran, talaga tong si Dan oh, semana santa eh nang goyo pa..eheheh, and then we continue..

Nakarating na kami ng Suvas at pumuwesto kami sa may private na part dun (well di ganun ka private kasi pinapasok din sya ng mga taga labas.) Lumangoy kami ng walang pangambang baka pasmahin kami hanggang sa humirit si Ralph ng "pagtanda natin tayo sisingilin neto" eheheh Biglang pang badtrip eh..tawa kami ng tawa nung nagsuot na ng shadez si Omar, kinantahan namin bigla ng "BABABAKERO, BABABAKERO, BABABAKERO DAW AKO" pumasok na lang sa isip namin sya si Randy S...Randy Shabu! ehehehe, Isa pa yung kinuwento ni Ralph sa nakasalubong nyang nagaaway na dalawang taklesa. Sabi daw nung isa " AyAAAAnnn!! magsilbing aral sa inyo yaaan!! magsama-sama kayo ng mga Tamod nyoOOOO!!!" nakakatawa lang sya kasi parang ang hirap ng lagay mo kapag ikaw ang kaaway nya...geeezzzz, ayoko ng ganung asawa..nung maliwanag na ng bihis na kami at nag picture picture muna sa resort, si Omar ang director ng posing namin pa pambali ng mga buto ang pinorma sakin ng hindo't..

Bago kami umuwi dumaan muna kami sa totong pakay namin doon, ang magsimba. di ko alam sa kanila pero ako nagpasalamat lang sa kanya kasi kahit papano di nya ako pinababayaan at binigyan nya ako ng mga tunay na kaibigan, nag tanung ako kung hanggang kailan kami ganito, pero nabago yung tanong na yun, ang dapat palang tanong ko eh sino kaya ang makakapagwatak sa samahan namin para tumigil kami sa pagiging ganito. 10 yrs. na kaming naglalakad next year, aasahan kong magiging masaya at mas maluwag pagdating sa expenses ang lahat.

No comments:

Post a Comment