Monday, April 20, 2009

Round Five (Hate Monday's?)

Eto ang araw na napakabusy para sa akin, trafik,daming calls,may mga taong ayaw magabot ng bayad sa jip at malala pa dun, naulan..Well ok sana umulan kung DAYOFF KO!!! Nung linggo natuloy jamming namin ng mansanas, ok naman yung jamming, si pawa naninigas na ang kamay, si dan sinisingil na ng sigarilyo dahil kinakapos sya, si junart steady lang, ako drums lang ng drums at si arnel pineda ang tech..san ka pa?! ehehehe.

Nagka aso na pala kami, pinangalan ni esmi ay TART., di ko alam kung bakit pero umagree na ako kasi cute naman eh kaso ayaw kumain parang malungkot sya kasi dun sa pinanggalingan nya madami syang kalarong aso. dalawang araw na sya di na kain pero nakuha pa nyang tumae sa loob ng bahay. Di ko pa sya mapaliguan kasi nagaalangan nga ako dahil di pa sya nakain.

Tinanong ko pala yung S.O.S. member kung magpapalit kami ng vocalist, kasi on my personal opinion nahihirapan na ako i-manage yung vocalist namin, bukod sa walang sariling kusa, out of tune pa sya lagi, may buga naman yung boses nya pero di nya nga kayang malaman kung paano nya itotono yung boses nya sa tipa lang ng guitara. kailangan ko pang sabihin yung tamang tono..hirap! Sana makahanap kami ng vocalist na marunong na din magguitara at di mahirap maging kabanda.

No comments:

Post a Comment