Wala sana akong balak magpost ngayon pero naging interesado akong bigla kasi may dumaan ng girl sa likuran ko na yung amoy nya eh kasing amoy ng ex ko dati.
Bakit kaya ganun, ewan ko sa iba pero madaming akong naaamoy na merong pinapaalala sakin either lugar, tao, bagay, pangyayari at nakaraan sa buhay mo. Minsan kapag napapabisita ako sa ibang bahay, kapag yung scent ng bahay nila eh naamoy ko na dati, biglang nagflaflashback ang lahat..minsan sa mga nakakasalubong ko sa daan, kapag yung ginamit nilang pabango eh nagamit ko na dati bigla ko naaalala yung panahon na yun nung time na gamit ko pa sya, kadalasn mga naging GF ko ang naaalala ko kapag naamoy ko yung mga babaeng nakakasalubong ko (wala pala akong interest na amuyin ang lalake..pwe!) pero kapag may naamoy akong tuyong pawis scent isa lang naaalala kong kaibigan, alam na nila yun kung sino kasi broke sya. ehehehe peace pards!
well, ang sarap lang alalahanin ang lahat, balik-balikan ang mga panahon na nagpasaya sayo at bumuo sa pagkatao mo ngayon. Lahat siguro ng dumaan na bango sa at baho sa buhay mo eh naging parte ng hinaharap mong bukas. Siguro yung sariling mong amoy eh naklinya din sa ibang tao at tuwing naaamoy nila yun siguro biglang bumubungad ang mukha mo sa kanilang alaala.
Tuesday, April 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment