Sunday, medyo kakatamad na araw, netong mga oras na ito gutom na ako pero 12am pa lunch break ko, 8:09pm palang! haayy, kakatamad talaga tong araw na to, ayaw ko sana pumasok kaso sayang eh, tang inang mga agent yan nawala bonus ko sa may 15 payout..bwiset pero ok lang bilang na araw nila kasi sa next saturday wala ng epekto mga bad comments nila, it's pay back time na! ehehehe, kanina pala nagensayo kami nung bago kong banda, medyo ok naman kinalabasan ng jamming pero sobrang init dun kasi maliit ang kwarto at maiinit, kakatuwa lang eh kasi nung sinali nila ako sa banda nila sobrang shift sila ng genre, dati kasi sobrang prog. nila pero on my personal opinion di sila bagay dun, for PRO's na kasi yung mga ganung tugtugan kung baga ang gusto kong gawin nila eh "less is more" kaya yun masaya na yung mga music na nagawa nila. catchy pero di naman ganung baduy..ok di ba?
Nawala na pala pag-asa kong maging drummer ng UpDharmaDown, sayang kasi talagang nagpaalam na si ean (drummer) na di sya babalik ng matagal sa pinas at jajam lang sya sa Dharma kapag sobrang big gig, dati kasi before sya umalis naguusap usap na sila kung sino nga ipapalit sa kanya, ang gusto sana ni ean eh ako pumalit sa kanya pero maraming aberya na di ko na makwekwento pero reasonable naman kasi di nila ako pwedeng kunin dahil sa schedule ko sa work, unfair naman sa kanila kung ako susundan nila sa schedule ko at sino naman ba ako para sundin nila di ba? roadie lang ako nila. Pero astig siguro nun kung drummer nila ako nuh? saya kaya nun! yung nakuha nilang drummer eh galing sleepwalk circus, ok naman sya pumalo, nasa metro at di naman ganung nadadapa kumpara sa ibang jumam sa kanilang drummer. Sa tingin ko ang laking kawalan ni ean sa kanila..grabe ang magiging epekto nun kasi sya yung parang gumawa ng tatak Dharma eh.. sya ang gumagawa ng mga beats from fruityloop kung saan makikilala mo agad kung sila yung tumutugtog o hindi..malaking shift ang gagawin nila sa bagong drummer. Anu kaya mangyayari sa kanila ngayong wala na si ean? anu kaya magiging music nila?
Nung nakaraan nakapagkita kami ng isang barkada ko, naasar ako sa kanya hindi dahil sa may atraso sya sa akin kung di sa sobrang katangahan nya sa asawa nya, niloloko na sya harapan pero andun pa din sya, kasal sila ha pero grabe nyang ipagtabuyan ang barkada ko, minsan ayoko nang pagusapan yun kasi naiirita lang ako sa kanya at sa asawa nya, ilang ulit ko nang sinabi na wag mong pilitin ang ayaw, dahilan nya kung bibitawan nya yun sila magiging masaya samantalang sya iniwan sa ere, ang katwiran ko naman kung sila magiging masaya? bakit di mo gawin masaya din buhay nya sa iba? ang daming mas ok na chicks sa labas na hinding hindi ka lolokohin pero nagtyatyaga ka sa babaeng ganyan? sabi ko nga eh tuwing nakikita ko na sya, sobrang baho nya na kasi punong puno na ng tae yung ulo nya! sana magising na sya at ayusin ang buhay nya..hasle yun!
Sana bukas pagising ko magging ok naman ang simula ng linggo ko.
Oo nga pala, congrats ulit kay PACMAN kasi astig talaga nya at pinatumba ang pride ng britain na si HITMAN. waheheheh, galing talaga nya. Idol! 2 round knockout nga lang kaya di sya ganung ka exciting pero wala nang kasalanan si pacquiao dun kasi malay ba nyang ganun kahina kalaban nya? Who will be the next opponent? let's see pero sana si mayweather na..eheheheh
Sunday, May 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment