Wednesday, May 13, 2009

Round Eight (Up's and Down's)

Minsan talagang uulanin ako ng malas at swerte pero nakakbadtrip kasi minsan nga puro malas ang nangyayari sa araw ko, minsan, malelate na ako sa trabaho, ang dami delays na magaganap katulad ng nagkaproblema sa tubig namin na kailangan ayusin ang tubo para makaligo ako, mga tipong aalis na lang pabalik balik pa sa bahay kasi may nakalimutang gamit..tapos makakasalubong ka ng baliw sa daan na ikaw ang trip nyan burautin nung araw na yun, then pagsakay mo ng tricycle hindi pa puno kaya di makaalis, then kapag nasa sakayan ka na ng jip wala namang dumadaan na jip na papunta sa pupuntahan mo and the worst thing is kapag nakasakay ka na sobrang bagal ng driver at namamasahero pa sa mga walang pasaherong sasakay.ang matindi pa dito kung kelan nagmamadali ka saka may mga sagabal sa daan tulad ng prosisyon, santa cruzan, banggaan at kung anu-anu pang nakakapagpabagal sayo makarating sa tamang oras.

May ilang magandang pangyayari naman kahit papano ang dumadaan sa buhay ko katulad ng walang ka hasle hasle ang pagalis mo ng bahay, busog at fresh ka pagalis mo, madami kang pera sa bulsa kahit hindi mo alam kung bakit? napakabilis ng byahe at isang model driver ang tsuper ng jeep at pagbaba mo eh may magandang balitang dadating sayo katulad ng " pare, samahan mo ako dito, libre kita" ang saya di ba?

well marunong talaga ang kapalaran i-balanse ang buhay ng tao, nasa sa iyo na lang kung paano mo dadalhin at sasakyan ang mga pa trip ng buhay.

No comments:

Post a Comment