Totoo ang lahat ng mga nakikita ko sa t.v. at pelikula na kapag may scene sa office, talagang hindi maiiwasang may mga salbaheng tao sa opisina na walang magawa kung hindi pagusapan ang ibang tao kahit walang ginawa sa buhay kung hindi pumasok at umuwi ng bahay pagkatapos ng trabaho. May isa akong kilalang dito sa amin na sobrang bait na tao, wala kang maririnig sa kanyang tsismis o anu mang paninirang puri sa ibang tao, gusto nya lang lagi pagusapan eh yung nangyari sa trabaho o di kaya yung patungkol sa pamilya nya.. Biruin mo may mga nasabi pa rin ang iba, for example, nadinig ko lang na naguusap sa kainan ang isang grupo, kung anu-ano ang mga sinabi nila sa tao eh mi hindi nga sila kinakausap nun, kakaawa tuloy sya kasi akala nya eh ok ang lahat ng tao sa paligid nya yun pala pinagpyepyestahan sya habang wala sya. Miski nga sa akin eh may nadidinig ako na nakakatawa kasi unang una hindi ako sensitive sa mga bagay bagay as long na hindi naapektuhan ang pangaraw araw na buhay ko. May nag sabi na hindi daw ako naliligo, ahahahah, aba eh totoo yun! di ba DAN? di nga lang nila alam kung ilang araw..ahahahah! Pero ang pinaka nakakawasak na nadinig ko about sakin eh yung mahirap daw ako, comedy talaga kasi parehas kami ng trabaho, parehas kami ng ginagawa pero sya mayaman? toink..haayy, kakabaliw, kaya ang sarap ng buhay banda eh di ko lang talaga pwedeng i-fulltime kasi di ako kaya buhayin pa ng banda, siguro in the future.
Napanood ko pala yung IP Man na film. yung story nung isa sa mga nagturo kay Bruce Lee ng matinding karate! hiya! Nakakatuwa kasi unang una true story sya then kung totoong nangyari yung mga fight scene sa pelikula ang lupit nun kasi napakasimple ng kung-fu style nya pero sya yung pinaka dangerous technique. punching bag ang mga mukhan ng kalaban..hiya! hmp! After kong manood nun naenganyo ako ng slight mag aral ng kung-fu! FUTA!
Saturday, May 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment