Wednesday, June 3, 2009

Round Ten (Beatles Maniac)

Its thursday, off ko na naman, pero hindi dito natatapos ang araw ko kasi madami pa rin appointments na nagaabang sakin, yung mga tipong hindi ko nagagawa kapag may pasok ako..well, habang naghihintay ako ng oras dito, naisipan ko ilagay dito ang aking paboritong bandang foriegn. THE BEATLES (sssshhhhhhhh clap.clap.clap!)

Sa alam ng karamihan, eto ay binuo nila John Lennon, Paul Mcartney, Ringo Starr at George Harrison, pero nagsimula sila ng 5 piece members, wala pa nun sa kanila si Ringo Starr. Noon pa man eh siguro alam na nila na may chemistry sila, lalo na si John at Paul. dati kasing banda ni John eh yung The Quarry men..sa isang gig sila nagkakilala ni Paul, tumutugtog ang banda ni John nun, as usual covers ang pyesa nila. Alam ni Paul na nagkamali si John sa lyrics pero na impress sya kasi kahit ng kamali sya eh nagawan nya ng sariling version yung kanta na lalo pang gumanda. Dun nagsimula magbuo sila at pinasok ni Paul si George kasi may alam na guitarahin sya na hindi kaya nung dalawa, kung baga sa barkada namin kaya dati ni Ralph ang Halik ni Hudas(wolfgang) sa guitara pero ako di ko pa kaya..NOON.. ang Drummer nila nun ay si Pete Best na patay na din ata ngayon, di ko alam.. Nakita nila si Ringo sa isang gig, parang sila John eh Tito,Vic at Joey tapos sya ay si Dolphy..Ganun kabangis yun kaya gigil na gigil ang tatlo kunin sya, di nila alam si Ringo eh laging nanonood din ng gigs nila..Nung nakahanap sila ng butas palitan si pareng Pete eh inalok nila si Ringo pero syempre astig yung banda nya kaya di sya pumayag nung una kasi parang baduy nga daw sila para sa level nya. Nagkaroon ng transaction ngayon sa mga yun, ang deal nila eh kada sampa nya sa banda eh babayaran sya pero dapat ibababa nya rin yung buhok nya katulad ng hairstyle nung tatlo, syempre pera pera lang yan kaya ayun, game na sya. Di nya expect na ganun sisikat yung grupo kaya ng decide na din sya na magstay na sa kanila. Unang hit nila eh yung LOVE me DO na pinaka ayoko sa ginawa nilang kanta. Medyo ifafast forward ko na lang yung kwento kasi masyadong mahaba kung iisaisahin ko pa yun..basat Nameet nila si Bob Dylan, Tinuruan sila mag DOOBIE, naadik, nagiba ang tema ng tugtugan nila, pinasok ang iba't iabng genre,(sa kanila nakuha ni Jimmy Hendrix ang style na feedback ng guitara) nung tumanda na sila ng konti, dun na nagsimula ang pagbuo ng iba't ibang klase ng tunog na inienjoy natin lahat ngayon katulad ng reggae,r&b,punk,pop,alternative,phsycedelic at kung anu-anu pang music, sila din nag umpisa ng may tumutugtog na orchestra sa kanta nila..astig di ba?

Sobrang laki ng ambag nung mga ungas na yun sa buong mundo lalo na sa bayan nila, biruin mo naiangat nila ang economic status ng liverpool at ng buong england..

kung gusto mo pang malaman ang life story nila bumili ka na lang ng Beatles anthology kasi pagod na ako magtype eh. naisip ko lang ilagay yun kasi wala lang..wala kasi malagay eh..waheheheh

No comments:

Post a Comment